Nahihilo July 26, 2006
Posted by Mayee in : Daily Babble , trackbackNahihilo ako. For no particular reason. Nahilo ata ako sa amoy ng kung anu-anong pabango at lotion dito sa kwarto ko. Hay. Namiss ko na mag-blog gamit ang wikang tagalog. Kaya eto na po.. pagbigyan.
Galing akong ATC kanina.. kasama si b-ep-ep-el. Mga tanghali yun kaya kumain muna kami ng (hala! ano tagalog ng lunch?? hahaha!) er.. lunch? sa Jamaican Pattie Shop. Ang sarap ng Beef Express. Mas masarap ang Pinatubo, pero di ko kinakaya ang anghang. Pagtapos namin kumain ay naglibot muna kami sandali (at namili) sa 50th Avenue ng kung anu-anong abubot bago kami umupo sa food court at sinimulang gawin ang aming problem set sa physics na siya talagang dahilan kung bakit kami nagkita. Ay hindi pala, matagal-tagal rin naming kinalikot ang aming mga nabili bago kami talagang nagsimula. Nang natapos namin ang probset nanood kami ng sine.. ang “Just My Luck” na ginanapan ni Lindsay Lohan. Corny.. pero puwede na rin. Kinilig nga si Joelle eh. Haha. Tapos yun, umikot ikot kami sa town. Gusto sana naming mag-shopping kaso kami’y mga walang pera. haha. Ayon, umuwi na lang kami.. :P
Nahihilo pa rin ako. Gusto ko na matulog. Sana magising ako ng maaga bukas. :P Ayoko pa rin sanang pumasok. Nakakainis kasi, dalawang araw na lang ang natira sa linggong ito, may pasok pa. Nakakaburat. Di pa ako nagbabayad para sa board at lodging sa dorm.. bukas na siguro. Hai.
Natapos na namin ang ProbSet 3.. may ProbSet 4 naman. Hay nako, buhay.. Pinapahirapan na talaga ako. >:P
At oo, nahihilo pa rin ako.

Comments»
no comments yet - be the first?